50,000 health workers, contact tracers na-hire ng gobyerno

Umaabot na sa higit 9,000 health workers at higit 41,000 contact tracers ang na-hire ng pamahalaan para mapalakas ang response efforts laban sa COVID-19 pandemic.

Ito ay batay sa report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso sa pagpapatupad ng Bayanihan to Recover as One o Bayanihan 2 law.

Nakasaad sa report, nakapag-hire na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng 41,961 contact tracers sa iba’t ibang bahagi ng bansa mula nitong October 27.


Ang mga bagong contact tracers ay sasailalim sa training at orientation.

Ang mga Local Government Units (LGU) ay nakabuo ng 28,235 contact tracing teams na may 256,717 members.

Mula sa nasabing bilang, nasa 135,991 contact tracers ang nakapagtunton ng higit 1.1 million close contacts ng COVID-19 patients.

Sa ngayon, ang ratio para sa close contacts ay kasalukuyang nasa 1:5 o limang close contacts ang nahahanap at nailalagay agad sa isolation o quarantine.

Patuloy ring pinalalakas ng Department of Health (DOH) ang contact tracing system gamit ang COVID KAYA applications.

Mula April 23 hanggang October 25, ang Tanod-Kontra COVID applications ay nakagawa ng 18 million interactions, 257,000 site visits at 71,243 self-checks.

Nakapag-hire na rin ang DOH ng 9,821 health workers mula sa 11,951 approved slots para sa emergency hiring sa priority health facilities.

Aabot sa ₱1.7 billion ang pondo para sa paghire ng health workers at ₱600 million repurposed quick response fund na inilaan sa COVID referral hospitals at DOH hospitals.

Facebook Comments