50,000 kwarto, gagamiting quarantine facility para sa mga repatriated OFWs ayon sa report ni Pangulong Duterte sa Kongreso

Tinatayang nasa 50,000 kwarto sa iba’t-ibang accomodation establishments sa bansa ang natukoy ng Department of Tourism (DOT) bilang venue para sa mandatory quarantine ng mga papauwing Overseas Filipino Workers (OFWs).

Batay sa pinakahuling report ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso, ang DOT ay nakahanap ng 737 hotels sa buong bansa na may 44,871 na kwarto para sa repatriated OFWs.

Mula sa nasabing bilang, nasa 22,192 ang available rooms.


Nakipag-ugnayan din ang DOT sa 941 non-accredited accommodation establishments na mayroong higit 6,000 kwarto para sa kanilang temporary operation bilang quarantine facilities para sa mga returning OFW.

Bago ito, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer, Secretary Carlito Galvez Jr. na tinatayang nasa 42,000 OFW ang uuwi sa bansa simula sa Hunyo.

Inatasan na ni Pangulong Duterte ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), maging ang Department of Health (DOH) na pauwiin ang nasa 24,000 OFWs na stranded sa Metro Manila matapos makumpleto ang 14-day mandatory quarantine.

Tiniyak naman ni Labor Secretary Silvestre Bello III na tatapusin ito sa loob ng tatlong araw.

Facebook Comments