50,000 OFWs, inaasahang mapapauwi sa bansa hanggang katapusan ng Hulyo

Inaasahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mapapauwi sa bansa ang mahigit 50,000 Overseas Filipino Workers (OFWs) hanggang sa katapusan ng buwan.

Sa pagdinig ng House Committee on Overseas Workers Affairs, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Arriola na inaasahan nilang mare-repatriate ang nasa 50,577 OFWs hanggang July 31, 2020.

Sakali namang mapauwi na sa bansa ngayong Hulyo ang mahigit 50,000 OFWs, target naman ng ahensya na mapauwi ang matitirang 117,049 OFWs sa katapusan ng Agosto o unang linggo ng Setyembre.


Mula June 26, 2020, aabot sa kabuuang 167,626 ang mga stranded OFW na naipit sa iba’t ibang bahagi ng mundo bunsod pa rin ng epekto ng COVID-19 pndemic.

Ngayong Hulyo ay nasa 21,171 distressed OFWs mula Middle East, Asia and the Pacific, Americas, Europe at Africa ang nakauwi na ng bansa.

Aminado naman si Arriola na nagiging mabagal ang kanilang hakbang sa repatriation ng mga OFW dahil sa limitasyon sa bilang ng mga flight, quarantine capacity sa bansa, pagsasara ng airports, kawalan ng exit visas ng maraming OFWs at pagkakasakit ng mga foreign service personnel.

Facebook Comments