50,000 Pinoy seafarers, tiniyak ng pamahalaan na makakasakay muli ng barko

Tiniyak ng pamahalaan na makakasakay ng barko ang nasa 50,000 Filipino seafarers na natengga sa bansa bunsod na rin ng COVID-19 pandemic.

Sa virtual hearing ng Committee on Overseas Workers Affairs, sinabi ni TUCP Partylist Rep. Raymond Mendoza na tuloy ang nakatakdang cabin crew changes sa Hunyo 15, 2020 at tiniyak na makakapaglayag muli ang mga seaman sa itinakdang oras.

Sinabi ni Maritime Industry Authority (MARINA) Chairman Ret. Vice-Admiral Robert Empedrad na naka-classify o nabibilang sa “key workers” ang lahat ng mga seafarers.


Dahil sa kinikilala ang essential work ng mga Pinoy seafarers ay binigyang direktiba ang lahat ng ahensya ng gobyerno na madaliin ang pagpo-proseso ng kanilang mga deployment.

Tinitiyak din ng opisyal na hindi mawawala at hindi makukuha ng mga Eastern Europeans, Vietnamese, Myanmar citizens at Indians ang trabaho ng mga Filipino seafarers.

Inoobliga naman ng International Maritime Organization kung saan miyembro din ang pamahalaan na tiyaking naipatutupad ang mga protocols para sa ligtas na paglalayag ng mga seafarers.

Facebook Comments