Dahil sa kakapusan ng face mask na pangunahing ginagamit ng ating mga frontliners, nakapag-produce ang Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Regional/Provincial Training Centers at iba pang training institutions sa bansa ng mga washable face masks.
Sa virtual presscon ni Inter-Agency Task Force on Emerging and Infectious Diseases (IATF-EID) Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, sinabi nito na as of March 28, 57,000 face masks ang naipagkaloob ng TESDA sa mga frontliners kabilang ang mga health workers, Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Local Government Units (LGUs), media at mga barangay tanods.
Sinabi pa ni Nograles na ang TESDA training centers sa pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor ay nakapag-donate narin ng DIY face shields, 266 dito ay naipamahagi na sa mga frontliners sa Luzon; 809 sa Visayas; at 250 sa Mindanao.
Ilan din sa TESDA regional offices ay nagtutulong tulong na sa paggawa ng protective suits, disinfectants at sanitizers na kanila ding ipapamahagi sa mga frontliners.