50,000 Sputnik V vaccines, dumating na sa bansa

Dumating na kagabi ang karagdagang 50,000 doses ng Sputnik V vaccines mula sa Russia.

Lumapag ang bagong batch ng bakuna mula sa Gamaleya Research Institute lulan ng Qatar Airways flight QR928 sa NAIA Terminal 3.

Sinalubong ito ni Russian Ambassador Marat Pavlov at mga kinatawan ng Department of Health (DOH) at iba pang government officials.


Dagdag ito sa 15,000 doses na unang dumating sa bansa noong May 1.

Ayon kay Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta, naresolba ang logistical issues at umaasa silang makakapagpadala pa ng mas malaking batch sa susunod.

Una nang sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario vergeire na ilang lugar lamang sa bansa ang mabibigyan ng supply ng Sputnik V vaccines.

Facebook Comments