500,000 antigen test kits, inihahanda para sa house-to-house COVID-19 testing

Bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, gagamitin ngayon ang antigen test kits sa pagba-bahay-bahay para sa testing ng mga residente.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa 500,000 antigen test kits ang inorder ng pamahalaan para sa pag-test at isolate ng mga posibleng positibo sa COVID-19.

Paliwanag ni Roque, marami namang brand ng antigen test kits na mataas ang efficacy rate at aprubado na rin ng Food and Drug Administration (FDA).


Kinakailangan aniya ito lalo na’t patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa nakalipas na linggo.

Facebook Comments