500,000 AstraZeneca vaccines, ilalaan sa NCR – DOH

Ilalaan sa National Capital Region (NCR) ang 25% ng higit dalawang milyong doses ng AstraZeneca vaccines na dumating sa bansa nitong Sabado mula sa COVAX Facility.

Katumbas ito ng 501,600 doses ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang NCR ang may mataas na allocation dahil nandito ang episentro ng sakit.


Pero sinabi ni Vergeire na ang lahat ng rehiyon ay makakatanggap ng AstraZeneca vaccines.

Ang 193,000 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines ay ipapadala sa NCR, Cebu at Davao dahil sa low freezer storage requirement ng bakuna.

Isinasapinal na rin ng DOH ang application para sa emergency use authorization (EUA) ng Sinopharm vaccines sa Food and Drug Administration (FDA).

Naghihintay na lamang ang DOH na makumpleto ang mga dokumento bago sila magpasa ng application.

Facebook Comments