500,000 doses ng bakuna mula sa Sinovac, darating na ngayong araw

Inaasahang darating na ngayong araw ang 500,000 doses ng bakuna mula sa Chinese Pharmaceutical Company na Sinovac na binili ng Pilipinas mula sa China.

Ayon kay Senator “Bong” Go, bukod sa Sinovac ay asahan na rin ang pagdating sa bansa ng 20,000 Sputnik vaccine mula Russia sa susunod na linggo.

Bahagi ito ng nagpapatuloy na National Vaccination Program ng pamahalaan.


Nakatakda namang makipag-usap si Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President Vladimir Putin para lalo pang palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang bansa laban sa COVID-19, kabilang na ang pagtaas ng vaccine supply.

Kasabay nito, umaasa naman si Go na maaabot ng pamahalaan ang vaccination target nito, lalo pa’t 50 hanggang 70 milyong mga Pilipino ang kailangang mabakunahan para makamit ang herd immunity sa pagtatapos ng taon.

Facebook Comments