500,000 family food packs, nakahanda para sa mga biktima ng lindol sa Mindanao ayon sa DSWD

Naka-preposition na ang mahigit 500,000 family food packs sa buong Mindanao para sa mga apektado ng magkasunod na lindol sa bayan ng Manay, Davao Oriental.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Spokesperson Asec. Irene Dumlao, mahigit 7,000 family food packs ang naka-preposition sa Davao Oriental, habang mahigit 100,000 family food packs naman ang naka-preposition sa DSWD Field Office 11.

Ani Dumlao, dinala na sa Davao Oriental ang kanilang mobile command center at mobile kitchen para sa hot meals.

Hanggang alas-6 kagabi, nasa 12 evacuation centers aniya ang kanilang mino-monitor.

Samantala, bukod sa ikalawang bugso ng pamamahagi ng family food packs, magsisimula na rin ang emergency cash transfer para sa mga apektado naman ng malakas na lindol sa Cebu.

Facebook Comments