Aabot sa 500,000 manggagawa ang inaasahang makakabalik sa trabaho kasabay ng pagsasailalim sa Metro Manila at ilang probinsya sa ‘heightened’ Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula sa pinakamahigpit na lockdown.
Pero ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, kalahati lang ito ng bilang ng mga manggagawang dapat ay maakakabalik na sa kanilang trabaho sa ilalim ng MECQ.
Pero dahil mas mahigpit na MECQ ang ipatutupad sa National Capital Region (NCR) simula bukas hanggang August 31, 2021, marami pa ring manufacturing firm ang hindi pinayagang muling makapagbukas.
“Dati kung ang makakabalik ay 1 million, e dahil nabawal itong labor-intensive sectors pa rin, dine-in and personal care, ang estimate ho natin ay mga kalahati lang po ang makakabalik,” ani Lopez sa interview ng RMN Manila.
Samantala, mahigit P70-B kada linggo pa rin ang inaasahang mawawala sa ekonomiya ng bansa mula sa tinatayang P150 million kada linggo noong nakasailalim pa ang rehiyon sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
“Ang computation nila [NEDA] kung NCR Plus other areas, around P140 [billion] yung naaalala ko. Tapos pagka, MECQ, around P70 [billion] na lang ang mawawala. Pero dahil may mga sarado pa tayong sektor, imaginine natin na mataas-taas pa sa P70 [billion] yung mawawala,” dagdag niya.