500,000 pesos halaga ng ari-arian, tinupok ng sunog sa Aklan

175

Manila, Philippines – Aabot sa higit kalahating milyong piso ang halaga ng ari-arian ang naabo sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Kalibo, Aklan.

Batay sa imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa isang boarding house nang paglaruan ng isang bata ang isang nakasinding kandila.

Mabilis kumalat ang apoy at tinupok nito ang 16 na kabahayan na dikit-dikit at gawa sa light materials.
Walang naitalang nasugatan sa nangyaring sunog na tumagal ng halos isa at kalahating oras.


Samantala, nananatili sa evacuation center ang mga biktima habang ang ibang apektadong pamilya ay tumuloy sa kanilang mga kamag-anak.

Facebook Comments