Tinatayang nasa 500,000 Pilipino ang makakabalik sa kanilang trabaho sa pagbubukas ng personal care establishments at indoor dining.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI)Undersecretary Ruth Castelo, nasa 400,000 na manggagawa sa salon at barbershops ang mabibigyan muli ng trabaho.
Aniya, ang isang milyong displaced workers sa NCR plus ay mababawasan ng kalahati.
Inirekomenda nila ang outdoor salon at barbershop set-ups.
Ang mga indoor dining ay dapat sundin ang 10-percent capacity at nasusunod ang mandatory health protocols.
Nasa 100,000 manggagawa sa dining industry ang makakabalik.
Isinusulong ng DTI na luwagan ang restrictions para makapagbukay ang ilang negosyo habang mahigpit na nasusunod ang minimum health standards.
Facebook Comments