Aabot sa 500,000 national ID cards na ang na-imprenta ay handang ipadala sa mga registrants sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) National Statistician Dennis Mapa, aabot sa 500,000 national ID cards ang naimprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at nakatakdang ipadala ng Philippine Postal Corporation (PhilPost), ang official delivery partner ng Philippine Identification System (PhilSys).
Ang PSA ay nagpapatuloy sa rollout ng ikatlo at huling step ng national ID program, kabilang ang issuance ng PhilSys number at delivery ng ID cards.
Sinabi ni Mapa na araw-araw silang nagde-deliver ng national ID cards at halos 100,000 registrants ang nakatanggap na ng kanilang IDs.
Pinayuhan ang mga registrants na itago ang letter kung saan nakasilid ang ID dahil naglalaman ito ng confidential information.
Para maprotektahan ang PhilSys number sa anumang transaksyon, hinihikayat ng PSA ang mga rehistrante na gamitin ang PhilSys Card Number, ang public version ng PhilSys Number na naka-imprenta sa harapang bahagi ng ID card.
Nanawagan din ang PSA sa mga ahensya ng gobyerno at pribadong establisyimento na kilalanin ang National ID bilang proof of identity sa iba’t ibang transaction.