500,000 pisong halaga ng iligal na droga, nakumpiska sa dalawang drug suspek sa Makati at Taguig

70

Arestado ang dalawang drug suspek sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Makati at Taguig ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).

Kinilala ang mga naaresto na si Gervie Colanta, 31 anyos residente ng Barangay Rizal Makati City, na nahuli rin sa naturang lugar.


Nakuha sa kanya ang 51 gramo ng shabu na may market value na 346,800.00, 3.64 grans ng kush na may standard drug price na Php 4, 368. 00.

Habang ang isa pang naaresto ay kinilalang si Manuel Batjer, 31 anyos, residente ng Brgy Western Bicutan, Taguig City.

Narekober sa kanya ang walong piraso ng transparent plastic sachets na may lamang shabu na may standard drug price na Php 108,800.00.

Sa kabuuan aabot sa 500, 000 pisong halaga ng iligal na droga ang nakuha sa dalawang suspek na ngayon ay nahaharap na sa kaso.



Facebook Comments