500,000 residente sa Batangas, target na mailikas kapag lumala pa ang aktibidad ng Bulkang Taal

Pinaghahandaan na ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang paglilikas ng 500,000 residente sa Batangas kapag umabot na sa worst case scenario ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay (NDRRMC) Executive Director Ricardo Jalad, maidedeklara ang worst case scenario kapag itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa Alert Level 4 ang bulkan.

Maliban dito, pinaghahandaan din aniya nila ang posibleng poisonous gas, volcanic tsunami, at mga debris na magmumula sa Taal Volcano.


Sabi pa ni Jalad na nakipag-ugnayan na ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa mga karatig probinsya para tanggapin ang evacuees.

Tiniyak din nito na sapat pa ang pondo ng pamahalaan para tugunan ang pangangailangan ng mga apektado ng residente.

Facebook Comments