500,000 shots ng COVID-19 vaccine, posibleng maabot ng Pilipinas ayon sa NTF

46

Tiwala ang National Task Force against COVID-19 na maaabot nito ang target na 500,000 shots ng COVID-19 vaccine kada araw.

Ayon kay Dr. Teodoro Herbosa, special adviser ng NTF against COVID-19, nasa bansa na ang isang team mula sa health ministry ng Israel.


Tutulong ang mga ito para ibahagi ang iba’t ibang estratehiya na ginamit nila sa mabilis na pagbabakuna ng kanilang mamamayan.

Habang malaking tulong din ang bakuna nights ng mga Local Government Units (LGUs) para mapabilis ang pagbabakuna sa oras na dumagsa na ang supply ng COVID-19 vaccine.

Facebook Comments