500,000 turista, inaasahang dadagsa sa Tagaytay sa pagsalubong ng Bagong Taon

Pinaghahandaan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Tagaytay ang pagdagsa ng 500,000 turista para sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Tagatay City Mayor Abraham Tolentino na sa nakalipas na pagdiriwang ng Pasko ay umabot na rin sa mahigit 500,000 ang bumisita sa Tagaytay.

Kaya napuno ang mga restaurants, hotels at mga park.


Sinabi ng alkalde na sa pagsalubong naman ng Bagong Taon aasahan pa rin aniya nila ang 500,000 turista dahil sasamantalahin ang long weekend at magandang panahon sa Tagaytay.

Humihingi naman ng pang-unawa ang alkalde dahil tiyak na makakaranas ng traffic sa siyudad kaya kailangan nang mahabang pasensya.

Facebook Comments