500K BAGS NG PALAY, TARGET NA MABILI NG NFA EASTERN PANGASINAN NGAYONG TAON

Target ng National Food Authority Eastern Pangasinan na bumili ng nasa 500,000 bags na palay ngayong taon para sa palay procurement program.

Ayon sa tanggapan, nalampasan na umano nila ang target nilang bilhin ngayong buwan ng Enero kung saan umabot sa 20,107 bags ng palay. Target naman umano nila makabili ng 30,000 bags ng palay para sa buwan ng Pebrero.

Sa ngayon nasa 23 pesos ang kada kilo ng tuyo at malinis na palay habang 18 pesos kada kilo sa sariwa at basang palay.

Labing isa ang buying stations ng tanggapan kung saan tatlo sa Binalonan, dalawa sa Rosales, dalawa sa Mangaldan at tig-isa sa Asingan, San Quintin, Alaminos City at Mangatarem. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments