500K halaga ng Shabu , matataas na kalibre ng baril narekober sa compound ng eskwelahan

Abot sa kalahating milyong halaga ng Shabu maliban sa 13 high powered firearms ang narecover sa operasyon ng pinagsanib na pwersa sa Arakan North Cotabato.
Isinagawa ang operasyon sa loob ng compound ng isang eskwelahan partikular sa Staff House ni Cotabato Foundation College for Science and Technology President Samsom Molao na nagresulta sa pakakarekober ng illegal drugs at 13 firearms, na kinabibilanagna ng AK-47, M14 rifle at M16 rifles.
Nanguna sa operasyon si Levi Ortiz, director of the Special Enforcement Service of the central office ng PDEA katuwang ang North Cot PPO at Arakan MPS base sa search warrant ni Judge Alandrex Betoya .
Patuloy naman ang pagtugis ng PDEA at PNP kay Molao.
PDEA Pic

Facebook Comments