502nd IB at City Mobile Force Company, Nagsanib-pwersa sa Paghahatid ng Tulong sa Santiago City

Cauayan City, Isabela- Nagtulungan ang hanay ng 502 Infantry Brigade at City Mobile Force Company upang maghatid ng tulong sa mga higit na nangangailangan sa Lungsod ng Santiago sa pamamagitan ng pagtatayo ng Community pantry.

Sa tulong ng mga tropa ng Bravo Company ng 5CMO Battalion, 502IB at kapulisan ng Santiago City Mobile Force Company, matagumpay na nailatag ngayong araw, April 25, 2021 ang ‘Community Pantry’ sa Barangay Sinsayon at Barangay Rosario sa nasabing siyudad.

Layon ng pinagsanib na suporta ng mga sundalo at kapulisan na maibsan ang pangangailangan ng mga komunidad na apektado ng lockdown sa lungsod dulot ng COVID-19 pandemic.


Ito ay pakikiisa na rin ng mga sundalo at pulis sa hangaring matulungan ang maraming Pilipino na higit na nangangailangang sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments