503rd Infantry Brigade, Puspusan ang Pagpapasuko sa mga Rebelde!

*Cauayan City, Isabela- *Patuloy pa rin ang puspusang pagpapasuko ng militar sa mga kasapi ng New People’s Army (NPA) na nag-ooperate sa bahagi ng Cordillera Administrative Region (CAR).

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Col. Henry Doyaoen, Acting Brigade Commander ng 503rd Infantry Brigade, abala ang kanyang tropa sa kanilang misyon na hikayatin at pasukuin ang mga rebelde katuwang na rin ang mga LGU’s, Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensya para sa paghahatid ng mga programa ng pamahalaan.

Ito ay sa pamamagitan ng kanilang pagsasagawa ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP upang mabigyan ng impormasyon at maliwanagan ang kaisipan ng mga NPA na sumuko na lamang.


Ayon kay Col. Doyaoen, nasa mahigit 250 NPA na ang sumuko sa bahagi ng CAR bukod sa Abra at napagkalooban na ng tulong at programa ng gobyerno.

Laging handa rin anya ang kanyang tropa na isagawa ang kanilang mandato na hikayatin ang mga rebelde na bumaba na lamang sa bundok upang matikman ang mga nakahandang tulong ng gobyerno at makapiling na rin ang kanilang mga naiwang pamilya.

Nananawagan naman ang nasabing opisyal sa taumbayan lalo na sa mga magulang na bantayan ang mga anak upang hindi malinlang ng mga nagre-recruit na NPA na sumisira sa kinabukasan ng mga kabataan.

Facebook Comments