506 new COVID-19 cases, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health ng 506 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon, April 26.

Dahil dito, tumaas sa 4,446 ang active infections mula sa 4,255 noong Martes.

May 315 naman ang bagong gumaling sa sakit habang walang bagong nasawi.


Sa nakalipas na dalawang linggo, naitala ang pinakamaraming bilang ng bagong covid-19 cases sa National Capital Region na nasa 2,212.

Sinundan ito ng CALABARZON, 953; Davao Region, 436; Western Visayas, 336 at Central Luzon, 301.

Facebook Comments