Naitala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pinakamataas na heat index ngayong taon.
Noong March 28, naitala ang 50°C na heat index sa Itbayat, Batanes.
Bukod dito, naitala rin ang mga mataas na heat indices sa mga sumusunod:
– Port Area, Manila (48°C)
– Sangley Point, Cavite (48°C)
– Dagupan City, Pangasinan (46°C)
– Butuan City, Agusan del Norte (45°C)
Ayon PAGASA, ang heat index ay ang nararamdamang init sa katawan ng tao.
Ito ay nasa 3 hanggang 4 degrees Celcius na mataas sa actual na air temperature.
Ang heat index na pagitan ng 41°C at 54°C ay ikinokonsiderang nasa “danger level” dahil posible ng magkaroon ng heat cramps at heat exhaustion.
Payo ng weather bureau sa publiko na manatiling nasa loob ng bahay at iwasan ang direktang babad sa araw, at importante ring madalas na uminom ng tubig.
Matatandaang idineklara ng PAGASA ang dry season noong March 26.