50th anniversary ng CPP-NPA isang malaking “failure” – AFP

Malaking “failure” ang pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng CPP-NPA kahapon, batay sa assessment ng AFP.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Colonel Noel Detoyato, mismong isang dating miyembro ng CPP-NPA-NDF Central Committee ang nagsalarawan sa selebrasyon ngayong taong ito bilang “downgraded” kumpara sa mga nakalipas na taon.

Ngayong taon aniya, napilitan na lang ang NPA na magsagawa ng mga maliliit na pagtitipon, dahil hindi na sila naka-likha ng national at international attention sa kanilang ika-50 anibersaryo.


Ni wala aniyang interes ang sambayanan sa anibersaryo ng NPA dahil ang public opinion ay kontra sa NPA.

Dagdag pa ni Detoyato, pihadong aatakehin sa puso dahil sa pagkadismaya si CPP founding Chairman Joma Sison kung nasa bansa ito para saksihan ang walang-saysay na pagdiriwang ng kanilang anibersaryo.

Facebook Comments