Manila, Philippines – Ibinida ngayon ng Pamahalaan na magiging malaki ang selebrasyon ng ika 50 taon o Golden Anniversary ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN na gaganapin dito sa bansa sa darating na a-8 ng Agosto.
Ayon kay Foreign Affairs Spokesman Robespierre Bolivar sa briefing sa Malacanang, 27 foreign Minister ang dadalo sa naturang pagdiriwang na gaganapin sa Cultural Center of the Philippines Complex sa Pasay City.
Sinabi ni Bolivar na pormal na bubuksan ang 50th ASEAN Ministerial Meeting sa a-5 ng Agosto kung saan inaasahang dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte.
Wala namang ibinigay na detalye si Bolivar kung ano ang magiging aktibidad sa selebrasyon bukod sa mga gaganapint pulong ng mga foreign ministers.
Inihayag naman ni National capital Region Police Office Chief Police Director Oscar Albayalde na nakalatag na ang kanilang security plans para sa gaganaping ministerial Meeting na magsisdimula bukas.
Mahigit 13,000 pulis aniya ang ipakakalat para sa seguridad ng nasabing aktibidad kung saan 21 hotel sa Metro Manila ang gagamitin ng mga deligado bukod pa sa PICC kung saan gagawin ang mga pulong.