51 baranggay sa Metro Manila na nasa ilalim ng granular lockdown, tutukan ng NCRPO

Mahigpit na babantayan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdown partikular na sa Metro Manila na nananatiling mataas ang kaso ng COVID-19.

Batay sa datos mula sa NCRPO, 51 mga barangay na nasa ilalim ng granular lockdown.

37 dito ay sa Quezon City, 7 sa Northern district, 6 sa Southern District at 1 sa Eastern District ng Metro Manila.


Ang granular lockdown ay pagsasara ng bahagi ng barangay na may mataas na insidente ng COVID-19.

Matatandaang una nang sinabi ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na handa silang tumulong sa granular lockdown ng mga lokal na pamahalaan.

Samantala, magkakaroon naman sa pilot testing sa September 8 ng mga granular lockdown, sinabi ni PNP chief na naghihintay pa sila ng magiging guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa pagpapatupad nito.

Facebook Comments