Ipinagkaloob ng United Arab Emirates (UAE) ang pardon sa 51 Overseas Filipino Workers (OFWs) na convicted sa iba’t ibang krimen.
Ito ang inanunsyo ni Presidential Adviser for OFW and Muslim Concerns Secretary Abdullah Mamao kasunod ng serye ng negosasyon sa UAE officials.
Ayon kay Mamao, 30 sa mga dating inmates ay nakabalik na sa kanilang mga pamilya habang ang 21 ay pinoproseso pa ang kanilang mga dokumento para sa repatriation.
Ang mga nasabing OFW ay nahatulan dahil sa mga krimen tulad ng adultery, illegal drugs at iba pang petty offenses.
Nagpapasalamat sila sa UAE Government sa paggawad ng pardon sa mga convicted OFWs.
Ibibigay niya ang magandang balita na ito kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nilinaw rin ni Mamao na hindi ito prisoner exchange matapos palayain ng pamahalaan ang dalawang Emirates Nationals na nagkasala sa kasong rape sa Baguio City.