Kasalukuyang walang kuryente ang 51 lugar sa tatlong rehiyon sa Luzon na naapektuhan ng Bagyong Marce.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 25 lugar dito ay mula sa Ilocos region, 20 sa Cagayan Valley at anim na lugar sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Samantala, iniulat din ng NDRRMC na halos 300 kabahayan ang napinsala ng bagyo.
Pinakamarami rito ay sa Region 1 at CAR.
Facebook Comments