51 Milyong Pisong Pinsala sa Imprastraktura, Naitala sa Cagayan dahil sa Pagbaha

*Cauayan City, Isabela*- Umabot na sa 51 milyon ang inisyal na pinsala sa imprastraktura sa Lalawigan ng Cagayan matapos maranasan ang malawakang pagbaha dahil sa pag uulan batay sa naging ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council.

Ayon kay Provincial Information Officer Rogie Sending ng Cagayan, patuloy naman ang kanilang isinasagawang assessment upang matukoy ang kabuuang pinsala ng pagbaha sa sektor ng agrikultura.

Patuloy naman ang kanilang pamimigay ng tulong sa mga residente na apektado ng malawakang pagbaha sa Probinsya.


Samantala, umabot naman sa 22.8 milyong piso ang Damage Assessment ng Cauayan City Agriculture Office habang naitala ang mahigit sa 2 libo ektarya ng mais sa lungsod ang hindi na mapapakinabangan habang 2,403 hectares ang posibleng mapakinabangan.

Naitala naman ang pinsala sa may mahigit sa 100 ektarya ng palayan at 20 hectares ng gulayan sa Lungsod ng Cauayan.

Matatandaang una nang inirekomenda ni Mayor Bernard Dy sa Sangguniang Panlungsod na magpasa ng resolusyon na nagdedeklara sa state of calamity sa Cauayan City dahil sa malaking pinsalang dulot ng pagbaha.
Dahil dito ay nagsagawa ngayong hapon ng special session ang Sangguniang Panlungsod para tugunan ang rekomendasyon ni Mayor Dy.

(Courtesy to the Owner)

Facebook Comments