51 na bagong kaso ng fireworks-related injuries at isang kaso ng stray bullet, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 51 na panibagong kaso ng fireworks-related injuries at isang kaso ng stray bullet sa bansa.

Batay sa pinakahuling datos ng DOH, umabot na sa 262 ang kabuang kaso ng fireworks-related injuries mula December 21, 2022 hanggang January 2, 2023.

Mas mataas ito ng 42% higher sa naitalang 185 na kaso noong 2021.


Ang National Capital Region (NCR) ang lugar na pinakamarami ang tinamaan ng paputok kung saan umabot ito sa 125.

Sinundan naman ito ng Western Visayas na may 31, Ilocos Region na may 23, Central Luzon na may 22, CALABARZON na may 13 at Bicol Region na may 12 kaso.

Facebook Comments