51 porsyento sa kabuuang target ng Farm to market roads ng gobyerno, nakumpleto na ayon kay PBBM

Natapos na ang 51 porsyento sa kabuuang target ng Farm to market roads ng Marcos Administration.

Sa pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nitong may mahigit na 131,000 kilometro ang target ng pamahalaan na maipagawang farm to market road sa loob ng anim na taon na kanyang termino.

51 porsyento na aniya rito o katumbas ng mahigit 67,000 kilometro ay natapos na nitong 2023 mula nang maupo siyang pangulo ng bansa.


Paliwanag ng pangulo ang mahigit 67,000 kilometro na farm to market roads na natapos na ay katumbas ng 32 beses na pabalik balik mula Aparri hanggang Jolo.

Magbebenepisyo aniya nito ang sektor ng agrikultura dahil naikokonek na ang mga market at producers.

Siniguro naman ng presidente na tatapusin ang target ng farm to market road network program.

Facebook Comments