51°C NA HEAT INDEX SA LUNGSOD NG DAGUPAN NAITALA NITONG HULING ARAW NG OKTUBRE

Naitala kamakailan ang isa sa pinakamataas na heat index o temperatura sa Lungsod ng Dagupan.
Nito lamang ika-31 ng Oktubre naitala ang 51°C base sa Impact Assessment and Application Section ng PAGASA.
Ayon pa sa datos ng ahensya, ito ang pinakamataas na naramdamang heat index sa buong bansa nitong nagdaang Martes, ika-31 ng Oktubre.

Ang temperaturang ito ay nasa klasipikasyon ng Danger Category na may dalang panganib na epekto sa katawan.
Patuloy naman ang paalala ng awtoridad sa mga paraan upang hindi makakuha ng sakit sa napakainit na temperaturang ito. | ifmnews
Facebook Comments