51ST ANNUAL MEETING | Mga motorista pinaiiwas muna sa Ortigas Center

Manila, Philippines – Matapos sumabak sa pagbabantay kahapon, Araw ng Paggawa ang mga otoridad, muli naman silang napalaban sa pagbabantay ngayon sa Ortigas Center kasunod ng pagsisimula ng 51st Annual Meeting ng ASIAN Development Bank.

Ayon sa Eastern Police District (EPD) mahigpit na seguridad ang kanilang paiiralin ngayon sa Ortigas Center.

Kasunod nito pinaghahanda ng EPD ang mga motorista sa mabigat na daloy ng trapiko.


Magkakaron kasi ng stop and go scheme kung saan hihinto ang daloy ng mga sasakyan kapag may paparating na VIP.

Kabilang sa mga apektadong kalsada ang ADB Avenue, Bank drive, Shangri-La at St. Francis Street.

Pero nilinaw ng EPD maging ng MMDA na walang isasarang kalsada sa mga nabanggit na lugar.

Ang naturang annual meeting ng ASIAN Development Bank ay lalahukan ng libu-libong delegado na nagsimula ngayong araw at magtatagal hanggang sa Linggo, Mayo 6.

Facebook Comments