52-anyos na cook, kabilang sa 26 na mga na-hired on the spot sa Radyo Trabaho, Gabay sa Hanapbuhay, Anniversary Job Fair ng DZXL RMN Manila

26 na ang na-hired on the spot na mga aplikante sa pag-arangkada ng “Radyo Trabaho, Gabay Sa Hanapbuhay, Anniversary Job Fair” ng DZXL RMN Manila.

Kabilang dito si mang Vicente Erejer, 52-anyos ng Las Piñas City, ang pinakamatandang aplikante ng natanggap bilang cook sa isang restaurant.

Sa interview ng RMN Manila, nagpasalamat si mang Regel sa DZXL Radyo Trabaho dahil sa pagbibigay ng oportunidad sa mga gaya nilang may edad na pero gusto pa ring maghanapbuhay.


Ganap na alas 8:00 ng umaga, pormal na nagbukas ang Radyo Trabaho, Gabay sa Hanapbuhay, Anniversary Job Fair, dito sa DZXL sa 2nd floor, Atrium Area ng Guadalupe Commercial Complex Mall, Guadalupe, Makati City.

Sa opening speech ni Radio Mindanao Networks Inc. Vice President for Content Marketing Ms. Erika Canoy-Sanchez, binigyan diin nito ang layunin ng DZXL-Radyo Trabaho na mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino ng trabaho na maipagmamalaki nila para sa kanilang mahal sa buhay.

Itinuturing naman ni DZXL RMN Manila station manager Salvador “Buddy” Oberas na makabuluhang regalo mula sa Panginoon para sa publiko ang trabaho kaya dapat itong pahalagahan.

Sa pagdalo sa job fair, nagpasalamat naman si PESO Association of Metro Manila President Emma Javier sa Radyo Trabaho ng DZXL RMN Manila sa pagiging official radio partner ng lahat ng PESO sa Mega Manila at pagiging gabay sa mga Pinoy sa hanapbuhay.

Ang Radyo Trabaho, Gabay sa Hanapbuhay, Anniversary Job Fair ay handong ng DZXL RMN Manila bilang selebrasyon sa ika-67th anniversary ng Radio Mindanao Network Inc. at unang taong anibersaryo ng Radyo Trabaho program.

Nabatid na mahigit limang libong trabaho ang alok ng 21 partner agencies at government offices ng DZXL RMN Manila at magtatagal hanggang mamayang alas 4:00 ng hapon.

Facebook Comments