
Isang 52-anyos na lalaki ang inaresto ng mga awtoridad matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu sa isinagawang pagpapatupad ng search warrant ng San Manuel Municipal Police Station (MPS) madaling-araw ng January 29, 2026.
Nagsimula ang operasyon bandang alas-3:45 ng madaling-araw sa bahay at bakuran ng suspek sa bayan ng San Manuel. Kinilala ang naarestong suspek na newly identified drug personality.
Isinagawa ang operasyon sa bisa ng Search Warrant No. U-2026-1 kaugnay ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at ito ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 (PDEA RO1).
Nasamsam ng mga operatiba ang kabuuang 1.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱10,200.00, na nakalagay sa siyam na piraso ng heat-sealed plastic sachets.
Bukod sa ilegal na droga, narekober din ang ilang non-drug evidence.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at haharap sa kaukulang kaso kaugnay ng ilegal na pag-iingat ng ipinagbabawal na droga.










