52 indibidwal, naapektuhan ng bagyong Salome

Manila, Philippines – Aabot sa limangpu’t dalawang indibidwal ang ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Salome.

Sa huling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dalawangpung indibdwal na naapektuhan ng bagyo ay naitala sa MIMAROPA region at tatlumpu’t dalawang indibidwal naman ay namonitor sa lalawigan ng Quezon.

Ang mga ito ay nanatili ngayon sa mga evacuation centers at binibigyan ayuda ng DSWD.


Namonitor naman ng NDRRMC ang rockslide sa Samar partikular sa Calibayog-allen road section Barangay Maguinoo, at landslide naman sa Daang Maharlika Isidro, San Juanico, Barangay Mabuhay, San Isidro, Northern Samar.

Sa ngayon, patuloy ang monitoring ng NDRRMC sa mga lugar na naapektuha ng bagyo.

Umaasa naman ang NDRRMC na walang maitatalang casualty dahil sa bagyong Salome na inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility bukas ng madaling araw.

Facebook Comments