52 MAG-AARAL SA BAUTISTA, NABAHAGIAN NG LIBRENG SALAMIN SA MATA

Limampu’t dalawang mag-aaral mula sa Coloscaoayan National High School, Villanueva Elementary School, at Poponto Integrated School sa Bautista ang nabahagian ng libreng prescription eyeglasses mula sa isang nonprofit organization.

Bago ipinamahagi ang mga salamin, sumailalim muna sa eye screening ang bawat mag-aaral upang matukoy ang tamang grado na kailangan nila.

Layunin ng programa na mapabuti ang paningin at kalidad ng pag-aaral ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na salamin sa mata.

Ayon naman sa lokal na pamahalaan, malaking tulong ang inisyatibang ito sa edukasyon, lalo na para sa mga mag-aaral na may problema sa paningin.

Facebook Comments