52 na bagong signal lights, naikabit na sa mga istasyon ng MRT-3

Nakapagkabit na ng 52 bagong signal lights sa 10 istasyon ng MRT-3 bilang bahagi ng malawakang rehabilitasyon ng linya nito.

Ginagamit ang signal lights upang magbigay hudyat sa mga train drivers kung pahihintuin o paaandarin na ang mga tren sa main line.

Dahil ang bagong signal lights ay LED-enabled, mas maliwanag ang mga ito kung ikukumpara sa dati.


Siyam na bagong signal lights ang naikabit sa North Avenue station, apat sa Quezon Avenue station, tig-lima sa GMA-Kamuning station, Cubao station at Ortigas station, anim sa Shaw Boulevard station, apat sa Boni Avenue station, lima sa Guadalupe station, lima sa Buendia station, at apat sa Ayala station.

On-going naman ang pagkakabit ng mga bagong signal lights sa Cubao station, Magallanes station, at Taft Avenue station.

Facebook Comments