52 Paaralan sa Cagayan Valley, Handa na sa face-to-face Classes

Cauayan City, Isabela- Inirekomenda ng Department of Education (DepED) region 2 na limampu’t dalawang (52) paaralan sa rehiyon ang maaaring sumailalim sa face-to-face classes.

Ayon kay Public Affairs Unit Head Amir Aquino, nakapagsumite na ang nasabing bilang ng paaralan sa DepED central office na nakatugon sa criteria at requirements na kinakailangan para sa face-to-face classes.

Dagdag pa ni Aquino, handa anumang oras ang DepED region 2 sakaling mabigyan ng pahintulot ang pagsisimula ng face-to-face classes.


Base sa report, may 23 paaralan sa Batanes ang inirekomenda ng kagawaran habang siyam (9) sa Cauayan City, apat (4) sa City of Ilagan, at anim (6) sa Isabela.

Sa Nueva Vizcaya, mayroong apat (4) na paaralan at anim (6) sa Cagayan Province.

Samantala, hindi naman inirekomenda ng kagawaran ang mga pagbubukas ng face-to-face classes sa lalawigan ng Quirini at Tuguegarao City dahil nagsisilbing isolation at quarantine facility ng mga pasyente ang mga ilan sa silid-aralan.

Facebook Comments