520,000 distress individuals, natulungan ng DSWD

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nabibigyan ng tulong ang mga distress individuals lalo na sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations hinggil sa proposed 2021 budget ng ahensya, sinabi ni DSWD Assistant Glenda Relova, handa ang kagawaran na tumulong sa lahat ng indibiduwal, pamilya at komunidad na nangangailangan.

Sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program, nakapagpadala na ng cash assistance sa 520,000 individuals.


“As of July 31, the AICs has served 526, 270 clients which is around 59 percent of our target for this year,” sinabi ni Relova.

Dagdag pa ni Relova, ang mga Persons with Disability (PWD) na nawalan ng trabaho ay tutulungan ng ahensya sa ilalim ng AICS lalo na at hindi sila nakatatanggap ng emergency cash aid sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

“As of today, they can still avail our regular AICs if they are in need of assistive devices or financial assistance,” ani Relova.

Mula nitong Hulyo, ang ahensya ay nakapagsilbi sa 5,185 PWDs, 3,881 ay nabigyan ng financial assistance.

Sa ilalim ng AICS, ang target beneficiaries ay inaasahang makatatanggap ng cash assistance para mapunan ang kanilang pangunahing pangangailangan sa pamilya.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng AICS ay homeless families at iba pang vulnerable groups, indigenous peoples, informal sectors at mga magsasaka at mangingisda.

Facebook Comments