53-anyos na babae sa Spain, napagkamalang patay na

Spain – Isang babae ang napagkamalang ‘patay na’ sa loob ng pitong taon.

Ayon sa limampu’t tatlong gulang na si Lezcano Escudero, nagkamali ang isang clerk, pitong taon na ang nakakaraan.

Noong may 13, 2010 kasi ay may babaeng naideklarang patay na ginamit di umano ang buong pangalan at birthday ni Lezcano dahilan para siya’y kilalaning yumao na ng Social Security ng Spain.


Matagal nang hinaing ito ni Lezcano dahil hindi siya makapagpadoktor at makapagrenew ng driver’s license.

Dahil dito gustong ipahukay ni Lezcano ang libingan ng gumamit ng kanyang pangalan para patunayang siya ay buhay pa.

Facebook Comments