53-anyos na pedicab driver, arestado matapos magnakaw ng 2 delata

801
(Freepik Image)

Inaresto ang 53-anyos na pedicab driver sa Manila matapos magnakaw ng dalawang lata ng Spam Luncheon meat sa isang shopping mart na nagkakahalaga ng P381.00


Sa report ng Ermita Police Station of the Manila Police District, nireklamo ang suspek na si Rommel Figueroa ni Randy Elenias, security supervisor ng Super 8 Retail Systems Inc.

Dinakip ang hinihinalang miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang noong Biyernes, Hulyo 3 sa ganap na 11:30 ng umaga.

Ayon pa sa pahayag ng pulisya, dinala ang suspek sa Paco PCP para sa medical check up saka ibinalik sa kanilang himpilan para sa imbestigasyon.

Nahaharap ito sa reklamong Crime of Theft thru Shoplifting na ipadadala rin sa Manila City Prosecutor’s Office para sa pagsusuri at tamang rekomendasyon.

Samantala, nangyari ang insidente habang patuloy na sumasailalim sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Facebook Comments