53 kabataan, naitalang nagkasakit ng HIV Aids

Nakapagtala ng 1,249 na bagong kaso ng HIV sa bansa ngayong Enero 2019.

 

Sa bilang na ito, 53 mga kabataan ang naitala sa bagong bilang ng nagkasakit ng HIV kung saan 46 sa bilang na ito ang nasa edad 18 hanggang 19 taong gulang habang 7 sa bagong kaso ay nasa edad 15 hanggang 17 taong gulang.

 

Karamihan ng mga kabataang ito ay nakuha ang sakit sa male to male contact.


 

Dahil dito, kinalampag ni Kabayan Rep. Ron Salo ang Department of Education at Commission on Higher Education na bumuo at magpatupad ng mga programa para maunawaan ng mga millenials ang panganib na dala ng risky sexual behaviors at ang pagkakaroon ng HIV-AIDS.

 

Nanawagan din ang mambabatas sa simbahan, civil society organizations at sa mga magulang na gawin ang kanilang papel sa pagmulat sa mga kabataan sa masamang dulot sa kalusugan at buhay ng pagkakaroon ng HIV Aids.

 

Pinapaigting din ng kongresista ang information at education campaign ng pamahalaan para tugunan ang lumalalang problema sa pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng HIV-AIDS.

Facebook Comments