Cauayan City, Isabela- Nagpositibo sa COVID-19 ang 53 na indibidwal mula sa iba’t-ibang bayan sa Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of 8:00 ngayong araw, mula sa 53 new COVID-19 cases sa Isabela; dalawampu’t apat (24) ang naitala sa bayan ng Tumauni; sampu (10) sa Lungsod ng Cauayan; anim (6) sa bayan ng San Mariano; tatlo (3) sa Lungsod ng Ilagan; tig-dalawa (2) sa bayan ng Cabagan at Quezon; dalawa (2) sa Santiago City; at tig-isa sa bayan ng Burgos, Cabatuan, Luna at Sto. Tomas.
Gayunman, mayroon namang naitalang anim (6) na recovered cases ang probinsya.
Sa kasalukuyan, muling sumipa sa 281 ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.
Mula sa total active cases, isa (1) ang Returning Overseas Filipino (1); anim (6) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); labing apat (14) na Health worker; dalawampu’t siyam (29) na pulis; at 231 na Local Transmission.