Umabot na 53 ang nasawi habang 22 pa ang nawawalang indibidwal matapos ang paghagupit ng bagyong Ulysses sa ilang rehiyon sa bansa.
Sa ulat na ipinadala ni PNP Spokesperson Police Col. Ysmael Yu, 17 indibidwal ang naitalang nasawi sa Region 2, 12 mula Region 4A, 9 sa Cordillera Region, anim sa Region 3, anim rin sa Region 5 at 3 sa NCR.
22 naman ang nawawala pa at ngayon ay patuloy na pinaghahanap habang 52 indbidwal ang naitalang sugatan .
Samantala, batay pa sa huling ulat ng PNP, aabot na lamang sa 87,030 families o katumbas ng 335,502 indibidwal ang mga evacuees na ngayon ay nasa 10,962 evacuation centers.
Sa ngayon, nakadeploy pa rin ang search and rescue teams ng PNP sa mga lugar na sinalanta ng bagyo habang may mga pulis pa rin ang nakatalaga sa mga evacuation centers para tumulong sa pamamahagi ng food packs at iba pang pangangailangan ng mga evacuees at para tiyakin ang seguridad ng mga ito.