53 personnel ng PNP, nakahanda sakaling kailanganin pa ng Turkish government ng search and rescue team

Nakahanda ang search and rescue team ng Philippine National Police (PNP) saka sakaling humingi pa ng karagdgang contigent ang Turkish government sa Pilipinas.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., may nakaantabay silang 53 personnel na handang tumulong sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol sa Turkiye.

Ani Azurin, partikular dito ang mga pulis Cordillera na may kaalaman sa rescue mission dahil ang mga ito ang sumagip sa mga biktima ng magnitude 7.7 na lindol na tumama sa Luzon noong 1990.


Sa ngayon, ani Azurin, naghihintay na lamang sila ng final word mula sa Office of Civil Defense, Department of National Defense (DND) at Türkish government para ipadala ang Philippine contigent mula sa PNP.

Base sa pinakahuling report sumampa na sa mahigit 34,000 ang mga nasawi dahil sa malakas na pagyanig sa Turkiye at Syria.

Facebook Comments