53 tiwaling pulis nagtapos sa 30 days reformation program sa Subic Zambales

Matapos na masangkot sa iligal na gawain sumailalim at nagtapos sa 30 days reformation program ang 53 mga pulis.

 

Ang kanilang pagtatapos ay sinasaksihan mismo ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde sa School for Values and leadership satellite office sa PNP training Service sa Subic Bay Freeport Zone, Subic Zambales.

 

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang mga pulis na sumailalim sa 30 days reformation program ay nakapag commit lamang ng minor offenses kaya maaring ma itama pa.


 

Sinabi ni Albayalde nais lamang nilang ipakita na maging ang mga pulis nakapag commit ng minor offenses ay hindi pinapalampas.

 

Aniya pa hindi naman daw ito parusa sa halip bahagi ng pagdidisiplina sa kanilang mga kabarong naliligaw ng landas.

 

Kaya panawagan ni Albayalde sa lahat ng mga pulis magpakatino para hindi sumailaim sa Focused reformation reorientation and moral enhancement o FORM.

 

Ang FORM ay ginagawa ng PNP batay na rin sa utos ng Pangulo na magsagawa ng Internal cleansing program sa hanay ng PNP dahil sa malimit na pagkakasangkot ng mga pulis sa katiwalian.

Facebook Comments