532 bagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 532 na bagong kaso ng COVID-19 kahapon.

Dahil dito, umakyat sa 8,580 ang active cases o yung mga patuloy na nagpapagaling sa sakit.

460 naman ang new recoveries habang walang nadagdag sa bilang ng nasawi.


Bumaba na sa 8.6 percent ang seven-day COVID-19 positivity rate sa Pilipinas.

Samantala, sumampa na sa 265 ang bilang ng kaso ng XBB.1.16 Omicron subvariant o mas kilala bilang “Arcturus.”

Ito ay makaraang makapagtala ang DOH ng 22 bagong kaso nito sa Western Visayas.

Facebook Comments