539,430 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines, dumating sa bansa kagabi

Karagdagang 539,430 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa kagabi.

Ang mga ito ay donasyon ng South Korea at lumapag pasado alas-8 ng gabi sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport.

Ayon kay Korean Ambassador to the Philippines Kim Inchul, umaasa ang Korean government na makatutulong ito sa nagpapatuloy na vaccine rollout ng pamahalaan.


Pinuri din ni Inchul ang ginagawang Bayanihan, Bakunahan o 3-day national vaccination drive na magtatapos ngayong araw.

Samantala, mismong si NTF Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang sumalubong sa delivery ng bakuna habang nagpasalamat din ito sa kontribusyon ng South Korea.

Facebook Comments